Siniguro ni Southern Police District Director, Police Brigadier Bernard Yang, na nakahanda ang kanyang pwersa na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga dadalo sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR 2024).
Ito ay binuksan ngayong araw October 14 at ginagawa ngayon dito sa Philippine International Convention Center (PICC) at tatagal hanggang until October 18, 2024.
Ayon kay Yang, bilang pagkilala sa kahalagahan ng naturang pagtitipon ay nagpakalat siya ng halos 300 kapulisan na nakatalaga sa mga mahahalagang lugar kabilang ang Multi-Agency Coordinating Center (MACC), Police Assistance Desks, venue perimeter security, at mobile patrols.
Nakalatag din ang mga specialized units nito kabilang ang medical teams at EOD/K9 units, para matiyak ang komprehensibong security approach.
Para naman matiyak ang zero-incident outcome sa kabuuang event, inatasan ni PBGen. Yang ang mga tauhan nito na manatiling mapag-matyag sa kanilang mga poste at suportahan ang kanilang mga kasamahan partikular ang mga naka assign sa mga Police Assistance Desks, billets at route deployment.
Ayon kay Yang, layunin nilang mamintena ang zero-crime rate sa kabuuan ng nasabing international conference. | ulat ni Lorenz Tanjoco