Mahigit 2,000 pulis, naka-deploy sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na tumutulong ang mga pulis sa pagsasagawa ng rescue at relief operation sa mga apektado ng bagyo partikular na sa Region 5.

Aniya, bukod dito ay mayroon ding 10,000 pulis ang naka-stand by at nakahandang i-deploy sakaling kailanganin sa mga apektadong lugar.

Sa ngayon, naka-heigtened alert na rin ang buong pwersa ng PNP lalo na mga lugar na apektado ng bagyo.

Umabot naman sa 54 na mga pulis ang apektado ng bagyo kung saan 53 dito ay mula sa Region 5, at ang isa ay mula sa BARMM na nabigyan na ng tulong ng PNP.

Katuwang ng PNP sa pagresponde sa Bicol Region ang AFP, PCG at BFP. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us