Nagpadala pa ng karagdagang puwersa ang Philippine National Police (PNP) upang tumulong sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief Operation (HADR) sa Bicol region na pinadapa ng bagyong Krisitne.
Ayon sa PNP, nasa 438 na mga Pulis mula sa iba’t ibang yunit ang magsisilbing augmentation force katuwang ng Police Regional Office 5 o Bicol PNP.
197 sa mga ito ang mula sa Police Regional Office 8 o Eastern Visayas PNP, 106 mula sa Special Action Force (SAF), 63 mula sa PNP Maritime Group, 10 mula sa PNP Air Unit at 63 ang mula sa Police Regional Office 3 o Central Luzon PNP.
Ipakakalat ang mga ito sa mga lugar na nakaranas ng matinding pagbaha para pangunahan ang Search, Rescue and Retrieval Operations gamit ang kanilang rubber boats.
Habang ang gagamitin din ng PNP ang air assets nito para sa pagdadala ng relief goods sa mga lugar na mahirap pasukin dahil sa matinding pagbaha.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bicol PNP Regional Director, PBGen. Andre Dizon sa suportang kanilang natanggap mula sa PNP Headquarters gayundin sa mga kapwa nila Regional Office. | ulat ni Jaymark Dagala