Mahigit ₱13.7 bilyong halaga ng illegal na droga, nasabat ng PNP-DEG sa nakalipas na dalawang taon
Umabot na sa mahigit ₱13.7 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) mula July 1, 2022 hanggang October 7, 2024.
Ayon kay PNP-DEG Director PBGen Eleazar Matta, ito ay patunay ng matinding kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga sa buong bansa.
Sa nasabing panahon, nakapagsagawa ang PNP-DEG ng mahigit 1,600 na operasyon kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng mahigit 1,900 na drug personalities.
Kabilang sa mga nakumpiska ang mahigit 1,700 kilo ng shabu, mahigit 2,100 kilo ng marijuana, at 48 kilo ng ketamine.
Mayroon ding nakumpiskang cocaine, ecstasy, at kush marijuana.
Pinuri naman ni PBGen Matta ang dedikasyon ng mga tauhan ng PNP-DEG sa kanilang trabaho na layong masugpo ang mga sindikato ng droga at protektahan ang mga komunidad.| ulat ni Diane Lear