Handa na ang Malabon City local government para sa ligtas at maayos na paggunita ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan, maglalagay ito ng Command Post para pangasiwaan ang seguridad at kaayusan sa mga sementeryo.
Ayon kay Mayor Jennie Sandoval, titiyakin ng LGU na matutugunan ang pangangailangan ng publiko.
Bukod sa iba’t ibang departamento ng LGU, nakahanda na rin ang mga pulis, bumbero at iba pang rescue teams para magbigay ng agarang tulong sa panahon ng undas.
Samantala may libreng alok naman ang Tugatog Public Cemetery na proseso ng cremation kung nais ipa-cremate ang labi at ilalagak sa Columbarium ang urn.
Kung hindi maman ipapa-cremate, ilalagak na lamang ang mga buto sa Ossuary. | ulat ni Rey Ferrer