Photo courtesy of Councilor Wowee Manguerra FB page
Tunggaliang Mayor Emi Calixto-Rubiano at Councilor Wowee Manguerra ang matutunghayan ng mga Pasayeño sa 2025 local elections sa lungsod.
Ito ay matapos humabol sa filing kahapon (October 8 ) si Manguerra ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagkaalkalde ng lungsod Pasay.
Plataporma ng opisyal na palakasin ang health sector sa lungsod, paunlarin ang mga ospital at kalingain ang mga may sakit, estudyante at mga residente ng Pasay.
Si Manguerra ay dating miyembro ng Team Calixto sa ilalim ng noo’y alkalde at ngayo’y Congressman Tony Calixto.
Pero paliwanag ni Manguerra, bagamat mahal niya ang mga Calixto ay mahal niya rin ang mga Pasayeño na nakikiusap sa kanyang pagtakbo. | ulat ni Lorenz Tanjoco