Pupulungin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga mall operators sa Metro Manila gayundin ang mga may-ari ng utility companies.
Ito’y para pag-usapan ang mga gagawing paghahanda sa panahon ng Pasko partikular na sa aspeto ng trapiko.
Pangungunahan ni MMDA Chairman, Atty. Don Artes ang naturang pulong kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR).
Dito, ilalatag ang adjustment sa mall hours gayundin ang pagpapatupad ng moratorium sa malalaking paghuhukay o pagawain sa mga kalsada sa Metro Manila.
Gayunman, exempted dito ang flagship project ng Pamahalaan gayundin ang mga pagawaing nangangailangan ng kagyat na pagkukumpuni at mga proyekto na may kinalaman sa pagbaha. | ulat ni Jaymark Dagala