Umabot sa 450 na pamilya o 1,600 na indibidwal ang apektado ng Bagyong #JulianPH at Habagat sa Northern Luzon.
Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), namahagi sila ng mainit na pagkain sa mga evacuee sa Ilocos Norte.
Nakapagbigay na rin ng mga gamot sa 72 na indibidwal at nagsagawa ng health lectures tungkol sa leptospirosis.
Samantala, nagbigay din ng first aid ang mga volunteers ng PRC Batanes Chapter sa mga nasugatan dahil sa bagyo.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, naka-standby ang kanilang emergency response units at mga volunteers sakaling muling pumasok sa PAR ang bagyo bukas.
Patuloy naman ang koordinasyon ng PRC sa lokal na pamahalaan para sa rapid damage assessment and needs analysis upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad.| ulat ni Diane Lear