Tutulungan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na sinalanta rin ng nagdaang bagyong Kristine.
Ito ang inihayag ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa isinagawang lingguhang flag raising ceremony ngayong umaga.
Ayon kay Marbil, kaniya nang inatasan ang mga kinauukulang yunit ng Pulisya para magbigay ng tulong pinansyal sa mga Pulis na biktima rin ng kalamidad.
Binigyang diin pa ng PNP Chief na ang bawat kabayanihan ng mga Pulis ay patunay ng kaligtasan ng mga komunidad sa anumang panahon at pagkakataon. | ulat ni Jaymark Dagala