Mga suspek sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga, miyembro ng gun-for-hire group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado na ang mga suspek sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga na sina Arvin at Lerma Lulu.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 3 Director Police Brigadier General Red Maranan na pawang miyembro ng gun-for-hire group ang mga suspek, kabilang ang umano’y mastermind na kasama sa pitong indibidwal na naaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na baril, mga motorsiklo, at sasakyan na ginamit sa krimen.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang mga suspek ay miyembro ng gun-for-hire group na nakabase sa Nueva Ecija at sangkot sa 12 kaso ng pagpatay sa Central Luzon.

Umaabot umano sa P13 milyon ang pagkakautang ng mastermind sa mga biktima.

Matatandaan na noong hapon ng October 4, sinundan at pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang sinasakyan ng mag-asawa sa Brgy. Sto. Cristo sa Mexico, Pampanga. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us