Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo at kolumbaryo sa Metro Manila.
Maaga pa lamang, sinimulan na ng MMDA ang paglilinis sa paligid ng mga sementeryo sa pangunguna ng Metro Parkways Clearing Group.
Ipakakalat ang mga naturang tauhan ng MMDA sa mga sementeryo hanggang sa November 3 para umalalay sa mga lokal na pamahalaan.
Karaniwan kasing nahahakot ng MMDA na mga basura sa paligid ng mga sementeryo ay iyong mga pinagkainan gaya ng paper plates, styrofoam, plastic cups, balat ng tsitsiriya, at iba pa.
Una nang nag-abiso ang pamunuan ng mga sementeryo sa Metro Manila na hanggang ngayong araw na lamang maaaring linisin ang puntod ng kanilang mahal sa buhay. | ulat ni Jaymark Dagala