NCRPO, nakahanda na sa paglalatag ng seguridad sa buong Metro Manila ngayong papalapit ang Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

All set na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng seguridad ngayong panahon ng Undas sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Major General Sidney Hernia, nasa 12,540 na NCRPO police personnel ang magbabantay sa 76 na public at private cemeteries kasama ang 58 columbarium sa kalakhang Maynila.

Dagdag p ni Hernia, na may mga quick response team din ang naka-deploy sakaling may mangyaring di inaasahan sa bawat syudad sa Metro Manila.

Sa huli, muling siniguro ni Hernia sa publiko na mula transport terminals, paliparan at pantalan ay nakaantabay ang kanilang hanay upang masigiro ang kaligtasan ng ating mga kababayan dadalawin ang kanilang kaanak na yumao. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us