NEA, pinaghahanda na ang mga electric cooperative sa pananalasa ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto na ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng Electric Cooperative na maapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa abiso ng NEA-Disaster Risk Reduction and Management Department, hinikayat ang mga EC na magpatupad ng contingency measures upang maibsan ang epekto ng bagyo.

Pinayuhan ang mga EC na buhayin ang kanilang Emergency Response Organization (ERO) kung kinakailangan para maipatupad ang mga kinakailangang response plans.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa South Eastern Portion ng Isabela, Aurora, maraming lugar sa Northern at Eastern Portion ng Quezon Province, kabilang ang Polilio Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang ang Ticao Island at Burias Island.

Itinaas din ang signal no. 1 sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran at Southern Samar sa Visayas at Dinagat Island at Surigao del Norte kabilang ang Siargao-Bucas Grande Group sa Mindanao.

Huling namataan si bagyong Kristine kaninang alas-4 ng hapon sa layong 760 km East ng Catarman Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot hanggang 70km kada oras. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us