Pinakilos na ni NIA Admin Eduardo Guillen ang mga regional director ng ahensya para paghandaan ang epekto ng Bagyong Kristine na inaasaahang tatama sa Northern Luzon.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni Admin Guillen na inatasan na nito ang mga Regional Office na maagang abisuhan ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim.
Maaari na ring magpakawala ng tubig ang ilang malalaking dam para mapanatiling nasa ligtas na lebel ang tubig habang pinaghahandaan ang posibleng pagbuhos ng ulan na dulot ng bagyong Kristine.
Inactivate na rin ang NIA Command Center para mabantayan ang lagay ng mga dam at iba pang mga sistemang pang-irigasyon sa buong bansa.
Ayon pa kay Admin Guillen, may nakahanda silang P300-M halaga ng Quick Response Fund na handang ipangtugon sa mga pasilidad na maaapektuhan ng bagyo.
Kaugnay nito, patuloy namang itinataguyod ng NIA ang paglilipat ng cropping schedule para hindi na matapat sa panahon ng tag-ulan ang anihan at matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang produksyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa