Pinayuhan ng PAGASA ang mga biyaherong patungo sa probinsya partikular sa Northern Luzon ngayong mag-uundas na agahan nang bumiyahe para hindi abutan ng malalakas na ulan.
Batay kase sa forecast ng PAGASA, malaking bahagi ng Northern Luzon ang uulanin habang papalapit ang Bagyong Leon sa mga susunod na araw.
Ayon kay Chris Perez, OIC ng PAGASA Weather Division, mula Oct. 30-31, ay matitinding ulan ang aasahan sa Batanes, Babuyan Islands, Occidental Mindoro at Cavite habang malalakas na pagulan din ang mararanasan sa Ilocos region, Antique, Palawan, Zambales, Bataan at Batangas.
Posible rin aniyang magtaas ng gale warning ang PAGASA sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon simula mamayang hapon.
Dahil dito, pinaiiwas na rin ang mga bbyahe sa pagsakay sa maliliit na bangka dahil sa banta ng matataas na alon. | ulat ni Merry Ann Bastasa