Tinanggap na ng Office of the Executive Secretary ang pagbibitiw ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo.
Ito’y matapos madawit si Leonardo, kasama si dating PCSO General Manager Royina Garma sa kaso ng pagpatay kay retired Police General at dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.
Sa dokumentong nakarating sa Kampo Crame, ipinabatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na tinanggap nito ang pagbibitiw ni Leonardo.
Nabatid na kinakatawan ni Leonardo sa NAPOLCOM ang law enforcement sector bilang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP). | ulat ni Jaymark Dagala