Pagbisita ni Mary Ann Maslog kay dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Custodial Center, iimbestigahan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aalamin ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyon ng paulit-ulit na pagpasok ng umano’y scammer na si Mary Ann Maslog sa PNP Custodial Center upang makipagkita kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos ang paglalahad sa Senado ng isang indibidwal na nagpakilalang tulay sa pagkakahuli kay Guo sa Indonesia.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, inamin ni dating Intelligence Chief PBGen Romeo Macapaz, na sinamahan niya si Maslog sa PNP Custodial Center upang makakuha ng impormasyon mula kay Guo.

Ngunit, itinanggi ni Macapaz ang umano’y pangalawang pagbisita ni Maslog sa PNP Custodial Center.

Binigyang-diin ni Fajardo na tanging abogado at spiritual adviser lamang ang pinapayagang makadalaw sa piitan ni Guo. Kaya naman, iimbestigahan kung may nilabag na protocol sa pagsama ni Macapaz kay Maslog kasama ang abogado ng dismissed mayor na si Atty. Stephen David.

Mariing sinabi ni Fajardo na hindi maaaring basta-basta ilabas ang mga detalye ng pag-uusap sa loob ng Custodial Center dahil may kinalaman ito sa pambansang seguridad.

Matatandaang, galit na inakusahan ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa si Maslog na umano’y pinipilit si Guo na idiin siya at si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng iligal na POGO. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us