Nananatiling hamon pa rin sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagsawata sa mga iligal na POGO sa bansa.
Kaya naman, pinaigting pa nito ang intelligence gathering at pakikipagtulungan sa NBI at PNP para isa isang mapasara ang illegal POGO hubs.
Sa PIA presscon, sinabi ni PAGCOR Senior Vice Pres on Security and Monitoring Cluster Raul Villanueva na sa ngayon ay pinatatakbo na mistulang guerilla operations ang mga iligal na POGO na nagtatago sa mga condo at subdivisions.
Sa monitoring nito, may nasa isang dosenang iligal na POGO pa ang matatagpuan sa Cebu, isa sa Mindanao habang malaking bilang ang nasa Luzon partikular sa Metro Manila.
Samantala, bumaba naman na sa 38 ang bilang ng Internet Gaming Licensees IGLs ang tinututukan ng PAGCOR.
Nakiusap na rin ito sa mga IGLs na boluntaryo nang idowngrade ang visa ng kanilang foreign workers.
Katunayan, mula sa 9,831 foreign workers ay nasa 8,161 na mga manggagawa na aniya ang boluntaryong nagrequest ng downgrading ng kanilang visa o katumbas ng 83%. | ulat ni Merry Ann Bastasa