Paggamit ng social media ni Pastor Quiboloy para gamitin sa pangangampanya nito sa pagka-Senador, di papayagan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makagagamit ng social media o ano mang gadget si Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy para sa pangangampanya online.

Ito’y kasunod ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagka-senador para sa Halalan 2025.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo, kinakailangan ng pahintulot ng korte sa ano mang aktibidad ng isang indibidwal na nasa PNP Custodial Center.

Samantala, wala pang desisyon ang korte sa mosyon ng kampo ni Quiboloy kaugnay ng kanyang hospital arrest.

Nakatakda naman sa November 22 ang Pre-Trial Hearing para sa kasong Qualified Human Trafficking gayundin sa iba pang kapwa akusado nito sa Pasig RTC Branch 159. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us