Binuksan ng Commission on Elections o COMELEC XI ang kanilang tanggapan para sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ngayong araw ng Martes, Oktubre 1, 2024, para sa mga kandidato na may intensyon na sumabak sa darating na Mayo 12, 2025, National and Local elections.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Davao, sinabi ni Comelec XI Assistant Regional Election Director na handa na ang komisyon para sa COC filing ng mga kandidato na magtatagal hanggang Oktubre 8, 2024.
Mahigpit ang paalala ng Enumerables sa mga maghahain ng COC na kumpletuhin ang kanilang form bago ito isumite dahil hindi ito tatanggapin ng komisyon.
Tatlong tao lamang ang maaaring isama ng kandidato sa paghahain ng COC.
Nagtakda rin ng designated area ang Comelec XI para sa mga reporters na magco-cover sa nasabing aktibidad sa loob ng Magsaysay Park sa Davao City. | Ulat ni Dang Sabdani-Jumala | RP1 Davao