Siniguro ng Batanes LGU na nakapreposisyon na ang halos 2,000 family food packs (FFPs), na kakailanganin sa lugar, dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Leon.
Sa gitna ito ng mahigpit na monitoring ng national government sa pinakahuling galaw ng Super Typhoon.
Sa inihandang Special Report Leon PH ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Batanes Governor Marilou Cayco na una na silang nakapagpamahagi ng food packs na sasapat para sa tatlong araw.
Ayon naman kay Social Welfare and Development Usec. Diana Rose Cajipe, agad ipadadala sa Batanes ang karagdagang 5,500 family food pack, sa oras na pahintulutan na ng panahon.
Makikipag-ugnayan din aniya sila sa Office of Civil Defense (OCD) para sa posibleng paggamit ng C-130 plane, sa paghahatid ng relief goods.
“Right now, mayroon na po tayong nakasakay na 5,500 family food packs sa PCG vessel but hindi po kasi siya makadiretso ngayon ng Batanes. Currently nasa Pangasinan na ‘yan,” — Cajipe. | ulat ni Racquel Bayan