Panibagong phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal — PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtala ng isang minor phreatic eruption ang Bulkang Taal sa Batangas, kaninang umaga.

Naganap ang maliit na pagsabog sa main crater ng Taal Volcano Island mula alas- 9:14 hanggang alas-9:23 ng umaga ngayong araw, Oktubre 22, 2024.

Batay sa ulat ng DOST-PHIVOLCS, nagbuga din ng plume ang bulkan na aabot sa 1,500 metro ang taas at napadpad patungong Timog-Silangan.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Sa nakalipas na 24 oras, nagbuga pa ito ng sulfur dioxide na aabot sa 1,256 tonelada kada oras.

Nananatili pa din ang upwelling ng maiinit na volcanic fluids sa lawa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us