Suportado ni senador JV Ejercito ang plano ni bagong DILG Secretary Jonvic Remulla na gawing mas patas at gawing merit based ang promotion sa PNP.
Ayon kay ejercito, magbibigay daan ito para mas maging professional ang Philipline National Police at matatanggal na ang pandrino system sa promotion ng mga tauhan at opisyal ng pambansang pulisya
Para sa senador, naging totoo lang si Secretary Jonvic sa kalakaran sa pnp promotion
Nakakaaapekto kasi aniya ang patronage politics sa pagiging epektibo ng PNP at nakakasira ito sa imahe ng pulisya
Samantala, para kay ejercito, ang naging pahayag ni secretary jonvic na ipapasara niya ang lahat ng mga POGO bago matapos ang taon ay pagpapakita lang na walang sasantuhin ang bagong kalihim sa kanyang pamumuno sa DILG. | ulat ni Nimfa Asuncion