Hinihintay ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng House Quad Committee kaugnay sa mga naging pagbubunyag ni dating PCSO General Manager Royina Garma.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, habang naghihintay ay mangangalap din sila ng mga impormasyon na magagamit din nila sa imbestigasyon.
.
Sa sandaling kailanganin ng Quad Comm, kanila itong ibibigay para makatulong gaya na lamang ng tungkol sa umano’y “reward system” at “extrajudicial killings” sa war on drugs.
Una rito, bumuo na ng Komite ang PNP at kanila na ring hinihingan ng paliwanag an mga dating PNP Chief hinggil sa kanilang papel sa naturang kampaniya partikular na noong nakalipas na administrasyon. | ulat ni Jaymark Dagala