PNP, pupulungin ng bagong DILG Chief ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pupulungin ngayong araw ng bagong Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw.

Ito’y sa pamamagitan ng kauna-unahang Command Conference sa hanay ng Pambansang Pulisya na gagawin sa Kampo Crame mamayang alas-12 ng tanghali.

Dito, inaasahang ipakikilala ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang mga matataas na opisyal ng Pulisya sa bagong DILG chief at mag-uulat hinggil sa kanilang mga nagawa at mga plano sa hinaharap.

Inaasahang tatalakayin din dito ng PNP sa bagong DILG secretary ang mga umiiral na panuntunan sa promosyon at re-assignment sa mga opisyal ng Pulisya.

Magugunitang sa pag-upo nito bilang bagong kalihim, sinabi ni Remulla na nais niyang magpatupad ng structural reform sa PNP upang alisin nang tuluyan ang “Palakasan System” dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us