Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na handa ang mga pulis sa pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong bunsod ng bagyong Kristine.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, na nakatalaga na umano ang mga tauhan ng PNP sa mga apektadong lugar upang magsagawa ng disaster response at humanitarian assistance.
Ayon pa kay Marbil, naipakalat na rin ang mobility assets ng PNP upang magamit sa paghatid ng tulong sa mga mamamayan.
Dagdag pa niya, pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga Pilipino habang patuloy ang koordinasyon ng mga pulis sa mga lokal na awtoridad para sa mas mabilis na pagkilos. | ulat ni Diane Lear