Kinumpirma ni DILG Sec. Jonvic Remulla na titigil na sa operasyon ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na matatagpuan sa Island Cove sa Cavite sa Dec. 15, 2024.
Ayon kay Sec. Remulla, nakausap na niya kahapon ang nangangasiwa sa POGO hub na nangakong boluntaryong magsasara sa Dec. 15.
Ito alinsunod na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na ipasara ang lahat ng POGO operations.
Una nang ipinunto ng kalihim na personal na tututukan ang paglockdown sa lahat ng POGO sa bansa.
Aniya, iisa isahin niya mismong ilockdown ang mga POGO kung saan uunahin ang Cavite.
Karamihan naman aniya ng POGO batay sa inisyal na listahan ay matatagpuan sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa