Pulis na primary suspek sa pagpatay sa ABC President sa Bulacan at driver nito, nakatakas sa restrictive custody sa Camp Crame

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng mga awtoridad laban sa apat na suspek na sangkot sa pagpatay kay Bulacan Provincial Board Member Ramil Capistrano at driver nitong si Shedrick Suarez sa Malolos City noong October 3.

Kabilang sa mga pinaghahanap sina alyas Jeff at alyas Lupin, kasama ang pulis na si Police Staff Sergeant Ulysses Pascual at pinsan nitong si Cesar Gallardo.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig Gen. Jean Fajardo, nagpaalam umano uuwi si Pascual sandali at hindi na bumalik pa. Sinibak na ang bantay na pulis dahil sa pagpapabaya matapos na hindi na bumalik si Pascual sa CIDG.

Mahaharap si Pascual sa patong-patong na reklamo.

Hindi naman isinasantabi ng PNP na may kaugnayan sa trabaho ang pamamaril kay Capistrano.

Samantala, kinasuhan na ng double murder ang apat na sangkot sa pagpatay kay Capistrano. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us