QC DRRMC, naghahanda na sa magiging epekto ng bagyong Leon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Habang papalapit ang bagyong Leon, naghahanda na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QC DRRMC) sa epekto nito.

Sa ulat ng QC DRRMC, nagpatawag na ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Weather Observers at Operations Center Personnel, na dinaluhan ng mga miyembro ng QC DRRM Council at barangay officials.

Layon ng assessment na tiyakin ang kahandaan ng lungsod lalo na ang mga pag-ulan na dala ng bagyo.

Sa nakalipas na mga araw, simula Oktubre 23 hanggang 25, mahigit 50 insidente na may kaugnayan sa epekto ng bagyong Kristine ang tinugunan ng QC DRRMC.

Dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyo, halos 3,000 pamilya o katumbas ng mahigit 10,000 indibidwal ang nailikas dahil sa mga pagbaha. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us