QCPD, tiniyak ang kaligtasan ng mag-aaral sa mga paaralan sa QC sa ilalim ng “Project Ligtas Eskwela”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng Quezon City Police District (QCPD) ang “Project Ligtas Eskwela”sa mga paaralan sa Lungsod Quezon.

Ayon kay QCPD Acting District Director, Police Colonel Melecio Buslig Jr., prayoridad ng proyekto na palakasin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan.

Ang inisyatibang ito ay layon ding magbigay ng ligtas na kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan sa buong Quezon City.

Mula Oktubre 22 hanggang 28, 2024, nagtalaga na ng 273 Police Assistance Desk (PAD) ang QCPD sa iba’t ibang paaralan, nagsagawa ng 171 security activities, at pagpapakalat ng 481 personnel para mapanatili ang presensya ng pulisya.

Binisita na rin ng QCPD ang 179 na paaralan, at nag-aalok ng suporta at direktang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral, mga guro at kawani. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us