Pinangunahan ni Pasay City mayor at Partido Federal ng Pilipinas NCR chairman Emi Calixto Rubiano ang isinagawang basic master unit orientation ng partido at panunumpa bg mga bagong miyembro.
Dito ay binasa ni Calixto ang panata ng PFP kung saan sinusundan ang nasabing panunumpa ng iba’t ibang kandidato ng PFP mula sa kalakhang Maynila.
Sa nasabing aktibidad din ipinakilala ng PFP ang mamanukin nito sa pagka alkalde ng lungsod ng Maynila.
Magkakatambal sina PFP Manila chairman Raymond Bagatsing bilang alkalde ng lungsod habang si PFP Sec. Gen. Pablo Chikee Ocampo ang tatayong bise alkalde.
Ayon kay Bagatsing, ikinararangal niyang mapagkatiwalaan ng partido ng Pangulo at gawing pambato sa pagka alkalde sa lungsod ng Maynila.
Ang Partido Federal ng Pilipinas ang ruling party ngayon sa bansa dahil ito ang partido ng Pangulong Ferdinand R.
Marcos Jr.| ulat ni Lorenz Tanjoco