Sasakyang pandagat ng BFAR, sinadyang banggain ng barko ng Chinese Maritime Militia sa Pagasa Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na isa na namang insidente ng pagbangga ng barko ng Chinese Maritime Militia sa sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, iniulat ng BFAR na naganap ang insidente noong October 11 habang nagsasagawa ng routine maritime patrol ang BRP Datu Cabaylo at BRP Datu Sanday.

Ayon sa BFAR, binuntutan at sinubukang harangan ng barkong CMM 00108 ang BRP Datu Cabaylo.

At habang dahan-dahang papalapit ang BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) sa Pag-asa (Sandy Cay) ay ginitgit na ito ng Chinese vessel.

Ayon sa BFAR, nagtamo ng minor dents ang kanilang sasakyang pandagat partikular sa starboard bow nito.

Sa kabila naman ng insidente, nakumpleto pa rin ng BFAR vessels ang kanilang maritime patrol at ligtas na nakadaong sa Pag-asa Sheltered Port.

“We commend the officers and crew of the BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) as they continue to perform their duty, in line with the mandate of BFAR, to uphold Philippine jurisdiction and rights over its territorial waters and exclusive economic zone,” saad pa ng BFAR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us