Sec. Gatchalian: “Huwag mangamba, dahil utos ni Pangulong Marcos Jr. tuloy-tuloy ang pagdala ng pagkain sa Bicol”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na titiyakin nila na ang lahat ng biktima ng bagyong Kristine lalo na sa Region 5 ay mabibigyan ng pagkain.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga kay Sec. Gatchalian, sinabi nito na noong tumama ang bagyong Kristine mayroong 160,000 food packs ang nakahanda sa Bicol at sa ngayon, nakapamahagi na aniya ng nasa 80,000 food packs.

Dagdag pa ni Gatchalian, huwag aniyang mangamba ang mga Bicolano dahil sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tuloy-tuloy ang pagdadala ng pagkain sa Bicol Region, at sa ngayon mayroon aniyang 40,000 na darating ngunit na-stranded lamang sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.

Nabatid na ang bayan ng Milaor at San Fernando, Camarines Sur ay hindi pa rin madaanan ngayon ng mga sasakyan dahil sa mataas na lebel ng tubig.

Samantala, binigyang diin ni Gatchalian na kanilang titiyakin alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Marcos Jr., na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng pagkain upang matiyak na ang lahat ng biktima ng bagyong Kristine lalo na sa Bicol Region ay nabibigyan ng sapat na pagkain sa panahon na ito. | ulat ni Vanessa Nieva, Radyo Pilipinas Naga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us