Walang problema kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na linawin ang kanyang papel sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Ito ang tugon ni Dela Rosa sa panawagan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil sa mga dating mga naging pinuno ng Pambansang Pulisya.
Ginawa ni Marbil ang panawagan kasunod ng alegasyon ni dating PCSO General Manager Royina Garma na mayroong reward system para sa pagpatay ng mga drug suspect noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, ayos lang sa kanya ang naging pahayag ni Marbil.
Aniya, si Marbil ang kasalukuyang PNP Chief at maaari itong magkasa ng sarili nitong fact finding effort.
Lalo na aniya’t matagal nang kinakaharap ng PNP ang isyung ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion