“Sensational cases” ng mga nasawing lokal na opisyal sa kasagsagan ng war on drugs ng Duterte admin, babalikan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Susuriing mabuti ng Philippine National Police (PNP) ang mga sensational case ng mga lokal na opisyal na namatay noong kasagsagan ng war on drugs ng administrasyon Duterte.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo sa press conference sa Camp Crame, matapos ang rebelasyon ni dating Police Lieutenant Colonel Royina Garma sa pagdinig ng House Quad Committee.

Ayon kay Fajardo, titingnan nila ang mga cold case ng mga namatay na lokal na opisyal noong nakaraang administrasyon. Kasama rito ang kaso ng pagpatay kay dating Tanawan, Batangas Mayor Antonio Halili noong 2018.

Aniya, iniimbestigahan at pinag-aaralan na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kaso ni Halili kasama na ang pagtukoy sa umano’y partisipasyon ng pulis na may apelyidong Albotra sa pagkamatay nito.

Samantala, sinabi ni Fajardo na may isang aktibong Albotra na lamang ang nasa serbisyo at ito ay si Police Captain Kenneth Paul Albotra.

Sa ngayon, wala pa sa restrictive custody si Albotra at bibigyan siya ng PNP ng pagkakataon na magpaliwanag. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us