Signal no. 5, nakataas na sa Northern at Eastern portion ng Batanes dahil sa Bagyong Leon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mapaminsala na ang dalang hangin at ulan ng Super Typhoon Leon habang papalapit ng Batanes.

Sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 km East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 240 km/h.

TCWS No. 4
Nalalabing bahagi ng Batanes

TCWS No. 3
Luzon:
The northern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)

TCWS No. 2
Luzon:
The rest of Babuyan Islands, mainland Cagayan, the northern portion of Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan), Apayao, and Ilocos Norte

TCWS No. 1
Luzon:
The rest of Isabela, Quirino, the northern and central portions of Nueva Vizcaya (Bayombong, Dupax del Norte, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Kayapa, Santa Fe, Kasibu, Aritao, Bambang, Diadi, Dupax del Sur, Quezon, Solano), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, and the northern and central portions of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Dilasag)

Inaasahan namang pinakamalapit ang Bagyong Leon sa Batanes sa loob ng tatlong oras bagamat lumiliit na ang tyansa na mag-landfall ito sa Batanes.

Posible ring humina na ang bagyo at maging isang typhoon sa susunod na 12 oras bago mag-landfall sa Taiwan.

Inaasahan namang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng madaling araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us