Nagwagi ang Taguig City Local Government Unit Bilang isa sa mga lungsod sa bansa na may magandang programa kontra breast cancer.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang kanilng breast cancer control program na pinamagatang Ating Dibdibin ay layon na mabigyan ng kaalaman ang residente ng kanilang lungsod ang mga paraan upang maiwasan ang naturang sakit.
Dagdag pa ni Cayetano na pinalakas ng kanilang lokal na pamahalaan ang Barangay Health Centers upang sa kanilang lebel ay madiagnose na at mabigyan ng atensyon medikal ang mga may sintomas ng ganitong klaseng sakit.
Sa huli, nagpasalamat naman si Cayetano sa parangal na ibinigay sa kanila at nangakong mas papaigtingin pa nila ang kanilang programa at awareness sa sakit na breast cancer.| ulat ni AJ Ignacio