Pinaigting pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief efforrs nito sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Julian.
Katunayan, sumampa na sa P9-M ang humanitarian assistance na naipaabot nito sa Ilocos at Cagayan Valley Regions pati na sa mga apektado sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa ulat ng DSWD Field Office (FO) 1-Ilocos Region, nasa 1,000 FFPs ang naipahatid na rin sa LGU ng Dingras, Ilocos Norte bilang tulong suporta sa isinasagawang disaster response sa lalawigan.
Nakapagbigay na din ang DSWD FO 2-Cagayan Valley ng mga food and non-food items sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa munisipalidad ng Santa Ana, Santa Praxedes, Pamplona, Aparri, at Santa Teresita sa Cagayan province.
Mayroon na ring naipadalang 64,289 FFPs sa mga LGU sa Abra, Baguio City, Benguet, Ifugao, at Mountain Province.
Ayon sa DSWD, tuloy tuloy ang koordinasyon nito sa mga apektadong LGU para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng tinamaan ng Super Typhoon Julian.
“For the past consecutive days, we have been communicating non-stop with our Field Offices (FOs) and concerned local government units (LGUs) so that we can immediately provide relief augmentation to their disaster response operations. We are even more alert right now as the PAG-ASA announced earlier in the morning that Julian is now a Super Typhoon,” sabi ni DSWD Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 372 pamilya o 1,099 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa may 54 evacuation centers.
Samantala, tiniyak din ng DSWD na may sapat na pondo at resources ang ahensya upang matugunan ang mga pangangailangan pa ng mga lugar na sinalanta ng bagyo.
“The DSWD currently maintains over Php2.83B worth of stockpile and stand by funds available for augmentation to LGUs,” sabi ni Asst. Secretary Dumlao. | ulat ni Merry Ann Bastasa