PCG, mahigpit na binabantayan ang seguridad ng mga turista sa Boracay sa panahon ng Undas

Patuloy na mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa isla ng Boracay kasunod ng pagdating ng mga turista roon para sa Undas 2024. Sa Cagban Jetty Port, masugid ang kanilang monitoring sa pagdating at pag-alis ng mga turista mula sa Caticlan Jetty Port Terminal, kung saan sinisigurado ng PCG ang maayos… Continue reading PCG, mahigpit na binabantayan ang seguridad ng mga turista sa Boracay sa panahon ng Undas

Pasig City gov’t political officer, bistadong lider ng ‘troll campaign’

Isang Universal Serial Bus (USB) ang nagbisto sa umano’y ‘troll campaign’ operations na inilunsad ng grupo ng mga batang technology savvy laban sa natalong pulitiko ng lungsod na ito noong halalan 2019. Ang 29 anyos na lider ng nasabing “technophiles” ay isa na ngayong political affairs officer ng Pasig City government at pinangambahan na patuloy… Continue reading Pasig City gov’t political officer, bistadong lider ng ‘troll campaign’

2 milyong katao, naitalang bumisita sa Manila North at South Cemetery sa paggunita ng Undas 2024

Tinatayang nasa dalawang milyong katao ang bumisita sa mga pangunahing semeteryo sa Maynila ngayong taon para sa panahon ng Undas. Sa Manila North Cemetery, naitala ang kabuuang 1,520,030 na bumisita sa sementeryo, kung saan pinakamataas ang bilang noong November 1, na may mahigit 1.1 milyong tao ang dumalaw. Sa Manila South Cemetery naman, umabot sa… Continue reading 2 milyong katao, naitalang bumisita sa Manila North at South Cemetery sa paggunita ng Undas 2024

145,000 tourist arrivals, naitala sa Isla ng Boracay para sa buwan ng Oktubre

Tinatayang umabot sa kabuuang bilang na 145,021 ang mga bumisita sa Boracay Island nito lamang nakaraang buwan, ayon sa pinakahuling tala na inilabas ng Municipal Tourism Office ng Malay, Aklan para sa buwan ng Oktubre 2024. Sa nasabing panahon, nangunguna sa mga turista ay ang mga domestic tourist na umabot sa 118,008, habang 1,295 naman… Continue reading 145,000 tourist arrivals, naitala sa Isla ng Boracay para sa buwan ng Oktubre

Mataas na trust at performance rating ni Speaker Romualdez, nagpapakita rin ng tiwala ng publiko sa institusyon ng Kamara

Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa nakuhang mataas na trust at performance rating sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research. Aniya, lalo silang magpupursigi sa Kamara na magsumikap sa pagta-trabaho. “I am deeply thankful to our people for this gesture, which will inspire us to continue to work hard and even work harder… Continue reading Mataas na trust at performance rating ni Speaker Romualdez, nagpapakita rin ng tiwala ng publiko sa institusyon ng Kamara

140K na pasahero, inaasahan ng PITX ngayong patapos na ang long weekend dulot ng Undas

Matapos ang long weekend para sa pagdaraos ng Undas, naghahanda ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa malaking dagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila. Ngayong araw, inaasahan ng PITX na aabot sa 130,000 hanggang 140,000 ang bilang ng mga pasaherong dadaan sa terminal, at bukas inaasahang tataas pa ito sa 160,000 hanggang… Continue reading 140K na pasahero, inaasahan ng PITX ngayong patapos na ang long weekend dulot ng Undas

PCG, patuloy sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine

Patuloy na isinasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahatid tulong sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Kristine partikular sa Bicol Region. Nobyembre 2, Tatlong barko ng PCG na kinabibilangan ng BRP Cabra (MRRV-4409), BRP Malabrigo (MRRV-4402), at BRP Malapascua (MRRV-4403) — ang naka-deploy sa pagdadala ng tinatayang 9,000 kahon ng relief goods na… Continue reading PCG, patuloy sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine

167,000 pasahero, naiproseso ng BI nitong Undas

Tinatayang umabot sa bilang na 167,538 na biyahero ang naiproseso ng Bureau of Immigration (BI) nitong Undas na katumbas ng pagtaas na aabot sa 12% kumpara noong nakaraang taon. Ayon sa BI, maraming pasahero ang dumagsa sa mga pangunahing paliparan sa Pilipinas noong Oktubre 31 at Nobyembre 1, higit 41,000 dito ay magmula sa arrivals… Continue reading 167,000 pasahero, naiproseso ng BI nitong Undas

PDLs na sumakabilang buhay na, ginunita ng BuCor ngayong Undas

Pinangunahan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang isang nationwide mass para sa nagdaang All Souls’ Day bilang paggunita sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na pumanaw sa loob ng mga piitan kabilang na iyong mga namatay na walang kamag-anak na nag-angkin sa kanilang mga labi. Nitong Nobyembre 2,… Continue reading PDLs na sumakabilang buhay na, ginunita ng BuCor ngayong Undas