Senate President Chiz Escudero, handang magsertipika ng transcript ng naging pagdinig ng Senado tungkol sa EJKs.

Walang nakikitang dahilan si Senate President Francis Chiz Escudero para hindi makakuha ng kopya ang International Criminal Court (ICC) o kahit sinuman ng transcript ng naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee kaugnay sa war on drugs. Sinabi ni Escudero na isinapubliko na nila ang transcript at maaari na itong kunin ng kahit na sino… Continue reading Senate President Chiz Escudero, handang magsertipika ng transcript ng naging pagdinig ng Senado tungkol sa EJKs.

Reset ng power distribution rate, maaaring humantong sa mas mataas na Meralco refund— Sen. Gatchalian

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na maaring magresulta sa pagkakaroon ng mataas na refund para sa mga konsumer ang pag reset ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng power distribution rates para sa mga Distribution Utilities (DU), gaya ng Meralco Pinaliwanag ni Gatchalian na karaniwang ginagawa ang rate reset kada limang taon para suriin ang… Continue reading Reset ng power distribution rate, maaaring humantong sa mas mataas na Meralco refund— Sen. Gatchalian

Pagpapaliban ng 2025 elections sa BARMM, kailangan pang pag-aralan mabuti

Kailangang pag-aralang mabuti ang panukalang ipagpaliban ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon. Ito ang reaksyon ni Senador Juan Miguel Zubiri, na principal author at sponsor ng Bangsamoro Organic Law, sa panukalang isusulong ni Senate President Chiz Escudero. Pinunto ni Zubiri na bagama’t una nang pinalawig ang termino… Continue reading Pagpapaliban ng 2025 elections sa BARMM, kailangan pang pag-aralan mabuti

CamSur solon, pinasalamatan si PBBM at Speaker Romualdez sa kanilang tulong sa mga biktima ng Bagyong #KristinePH

Pinasalamatan ni Camarines Sur 2nd District Representative Gabriel Bordado si Pangulong R. Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez sa kanilang tulong sa mga kababayan niyang biktima ng Bagyong Kristine. Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, sinabi ni Bordado na sa nangyaring pananalasa ng Bagyong Kristine pinatunayan na ang pagkakaisa ang nagsilbing matibay na… Continue reading CamSur solon, pinasalamatan si PBBM at Speaker Romualdez sa kanilang tulong sa mga biktima ng Bagyong #KristinePH

LTO, naglabas ng pahayag tungkol sa viral video ng SUV na may plate no. 7 sa EDSA Busway

Iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang kaso ng viral video ng sports utility vehicle (SUV) na may plate number 7 na pumasok sa EDSA Busway. Sa kanilang pahayag, malinaw na may nagawang paglabag ang driver ng SUV. Sa inisyal na imbestigasyon, walang protocol plakang inisyu sa partikular sa SUV na nakita sa viral… Continue reading LTO, naglabas ng pahayag tungkol sa viral video ng SUV na may plate no. 7 sa EDSA Busway

50 toneladang basura, nakolekta sa mga sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng Undas –MMDA

Umabot sa 50 tonelada ng basura ang nakolekta sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng Undas. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katumbas ito ng 2,347 na garbage bags o 12 truckloads ng basura na naipon mula October 26 hanggang November 4. Nasa 380 tauhan mula sa Metro Parkways Clearing Group… Continue reading 50 toneladang basura, nakolekta sa mga sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng Undas –MMDA

Pangulong Marcos, nagtalaga ng bagong Prosecutor General sa National Prosecution Service

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Prosecutor Richard Anthony Fadullon, bilang bagong prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS). Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez ngayong gabi (November 4). Base sa liham ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Justice Secretary Boying Remulla, na mayroong petsang ika-30 ng… Continue reading Pangulong Marcos, nagtalaga ng bagong Prosecutor General sa National Prosecution Service

Operasyon ng LRT-2, balik na sa normal matapos maisaayos ang problemang teknikal

Balik na sa normal ang operasyon ng LRT-2 ngayong araw matapos na maisaayos ang problemang teknikal. Ayon pamunuan ng Light Rail Transit Authoruty, pansamantalang itinigil ang biyahe ng mga tren dahil sa aberya sa bandang Santolan Station. Agad namang rumesponde ang Engineering at Maintenance Team ng LRT-2 upang ayusin ang nasabing problema. Sa ngayon, mayroon… Continue reading Operasyon ng LRT-2, balik na sa normal matapos maisaayos ang problemang teknikal

Speaker Romualdez, nagpasalamat sa mga kasamahang mambabatas sa maagap na pag-tugon sa bagyong Kristine kahit naka-break ang Kongreso

Kinilala at pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez ang mga kasamahang mambabatas sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, kahit pa naka-break ang Kongreso. Sa kaniyang mensahe sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara, sinabi ni Romualdez na marami sa mga mambabatas ang hindi nag-atubili na tumulong kahit panahon sana ng pahinga ng Kongreso.… Continue reading Speaker Romualdez, nagpasalamat sa mga kasamahang mambabatas sa maagap na pag-tugon sa bagyong Kristine kahit naka-break ang Kongreso

Pinsala ng super typhoon Leon sa sektor ng edukasyon, umabot na sa P396 milyon — DepEd

Umabot na sa P396 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng super typhoon Leon sa sektor ng edukasyon. Sa inilabas na partial situational report ng Department of Education (DepEd), nasa 113 na silid aralan ang totally damaged, habang nasa 227 naman na silid aralan ang partially damaged. Nasa P282.50 milyong halaga naman ng mga imprastraktura… Continue reading Pinsala ng super typhoon Leon sa sektor ng edukasyon, umabot na sa P396 milyon — DepEd