Earthquake at landslide search and rescue boxes, patuloy na ipinamamahagi sa mga barangay sa QC

Katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office, patuloy ang pag-iikot ni Quezon City District 1 Councilor Charm Ferrer para makapamahagi ng Earthquake and Landslide Search and Rescue (ELSAROC) boxes sa iba’t ibang barangay sa lungsod. Kabilang sa pinakahuling nakatanggap ng ELSAROC boxes ang Brgy. Masambong, San Jose at Balingasa. Laman ng bawat ELSAROC boxes… Continue reading Earthquake at landslide search and rescue boxes, patuloy na ipinamamahagi sa mga barangay sa QC

CDRRMO, magsasagawa ng collapsed structure training sa Davao City

Nakatakdang magsagawa ng collapsed structure rescue training ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Davao City. Ayon kay Rudy Encabo, information officer ng CDRRMO, nasa 40 personnel ang nakatakdang isailalim sa training na pangungunahan ng mga eksperto mula sa AFP… Continue reading CDRRMO, magsasagawa ng collapsed structure training sa Davao City

Dagsa ng mga pasaherong pabalik ng Maynila, ramdam pa rin sa mga terminal

Ramdam pa rin sa terminal ng Victory Liner at Superlines sa Cubao, Quezon City ang pagdagsa ng mga biyaherong pabalik na ng Maynila matapos lumuwas sa probinsya nitong Undas. Ayon kay Edcel Lozano Gadingan, Terminal Master, kada 10 minuto ang dating ngayon ng mga bus na galing probinsya. Lahat ng mga ito ay fully booked… Continue reading Dagsa ng mga pasaherong pabalik ng Maynila, ramdam pa rin sa mga terminal

Bicolano solon, umaapela ng dagdag na pondo para sa recovery activities kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine sa lalawigan

Umapela ngayon si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa pamahalaang nasyunal na ikonsidera ang paglalabas ng dagdag na pondo para sa iba’t ibang recovery activities kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine sa lalawigan. Kasama na aniya dito ang pondo para sana sa dredging ng Bicol River. Hiling din ng kinatawan na mapaglaanan ng alokasyon ang… Continue reading Bicolano solon, umaapela ng dagdag na pondo para sa recovery activities kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine sa lalawigan

Panukala para sa pagtatayo ng evacuation centers sa buong bansa, malapit nang maiakyat sa Tanggapan ng Pangulo para malagdaan

Malapit nang maging isang ganap na batas ang “Ligtas Pinoy Centers Act,” o panukala para sa pagtatayo ng permanente at storm-resilient na mga evacuation center sa buong bansa. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez nasa proseso na ng enrollment ang House Bill 7354 at Senate Bill 2451, at maaari nang ipadala sa Tanggapan ng Pangulo… Continue reading Panukala para sa pagtatayo ng evacuation centers sa buong bansa, malapit nang maiakyat sa Tanggapan ng Pangulo para malagdaan

Naipamahaging food packs ng DSWD sa mga biktima ng Bagyong Kristine at Leon, higit isang milyon na

Sumampa na sa 1,038,729 ang kabuuang bilang ng family food packs (FFPs) na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na distribusyon ng relief packs sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine at Super Typhoon Leon. Pinakamalaki ang nailaan sa Bicol Region na labis na pinadapa ng magkasunod na bagyo. Aabot sa… Continue reading Naipamahaging food packs ng DSWD sa mga biktima ng Bagyong Kristine at Leon, higit isang milyon na

Tropical storm sa labas ng bansa, nakapasok na sa PAR at tinawag na bagyong Marce

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Marce. Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 935km sa karagatan sa silangan ng Eastern Visayas. Sa ngayon ay nasa tropical storm category ang bagyo, taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour at bugso na 80 kph. Habang kumikilos pa-hilagang-kanluran ang… Continue reading Tropical storm sa labas ng bansa, nakapasok na sa PAR at tinawag na bagyong Marce

British investors, hinikayat na mamuhunan sa bansa sa ginanap na Philippine Economic  Briefing-London

Hinikayat ng economic team ang ang mga British investor na piliin na mamuhunan sa bansa dahil kayang i-deliver ng Pilipinas ang inaasahang paglago. Ito ang mensahe ni Finance Secretary Ralph Recto sa Philipine Economic Briefing sa London. Pagmamalaki ni Recto, walang bansa  gaya ng Pilipinas na may potensyal na kayang magpalago ng mga negosyo. Ayon sa… Continue reading British investors, hinikayat na mamuhunan sa bansa sa ginanap na Philippine Economic  Briefing-London