Mga taxi driver, bitin sa bawas presyo sa gasolina; mga jeepney driver, umaaray sa panibagong umento sa diesel

Aminado ang mga taxi driver na bitin ang ₱0.10 centavos rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Mandaluyong City, sinabi ng ilang tsuper ng taxi na hindi nila ito ramdam lalo’t napakabigat pa rin ng daloy ng trapiko na siyang nagpapahirap… Continue reading Mga taxi driver, bitin sa bawas presyo sa gasolina; mga jeepney driver, umaaray sa panibagong umento sa diesel

Sunog sa Commonwealth Market, kontrolado na — BFP

Kontrolado na ang sunog sa bahagi ng Commonwealth Market, Quezon City. Nasa limang oras ding nakataas sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang fire under control bandang 7:43am. Apektado ng sunog ang mahabang hilera ng mga stall ng dry goods kung saan ang ilan sa paninda ay mga grocery items, plastic na mga kagamitan, bigas,… Continue reading Sunog sa Commonwealth Market, kontrolado na — BFP

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱800-M tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine at Leon

Sumampa na sa ₱806.2-million ang halaga na tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa walang tigil nitong relief operations sa mga lalawigang naapektuhan ng magkasunod na bagyong Kristine at Leon sa bansa. Ayon sa DSWD, kabilang sa nailaan nitong tulong ang family food packs na umabot na rin sa 1,076,723… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱800-M tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine at Leon

Sunog sa Commonwealth Market, nasa ikalawang alarma pa rin

Mag-aapat na oras nang inaapula ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa Riverside ng Commonwealth Market. Hanggang ngayon nakataas pa rin sa ikalawang alarma ang sunog sa naturang palengke at maitim at makapal pa rin ang usok na nagmumula sa nasusunog na bahagi ng palengke. Sa impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), 2:45am… Continue reading Sunog sa Commonwealth Market, nasa ikalawang alarma pa rin

Pagbitaw ng pamahalaan sa paggamit ng fossil fuel, ipinanawagan ng isang environmental group

default

Ipinanawagan ngayon ng isang environmental think tank sa pamahalaan na madaliin na ang pagbitaw ng Pilipinas sa paggamit ng fossil fuel dahil sa epekto nito sa kalikasan. Ayon sa Center for Energy, Ecology and Development (CEED), layon nito na patatagin ang mga hakbang ng pamahalaan na protektahan ang mga karagatan at dalampasigan mula sa polusyon.… Continue reading Pagbitaw ng pamahalaan sa paggamit ng fossil fuel, ipinanawagan ng isang environmental group

Panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law at buwanang subsidiya sa maliliit na mangingisda, malaking tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine kung maisabatas na — solon

Umaasa si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na maaksyunan na ng Kongreso ang inihaing panukala na Pantawid Pambangka Program. Layon nito na magbigay ng ₱1,000 na monthly fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk, kasama na ang mga apektado ng bagyong Kristine. Umaasa rin ang mambabatas na maisabatas na ang amyenda sa Rice Tariffication Law… Continue reading Panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law at buwanang subsidiya sa maliliit na mangingisda, malaking tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine kung maisabatas na — solon

Bagyong Marce, lumakas pa at malapit na sa typhoon category

Lumakas pa at halos nasa typhoon category na ang bagyong Marce. Huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Marce sa layong 735 km silangan ng Baler, Aurora, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 135 km/h. Nakataas ang TCWS No:1 Luzon:Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands,… Continue reading Bagyong Marce, lumakas pa at malapit na sa typhoon category

Comelec, tuloy lang sa paghahanda kahit may inihaing panukalang batas na nais ipagpaliban ang BARMM Election

Walang plano ang Commission on Elections (COMELEC) na itigil ang ginagawa nilang paghahanda para sa kauna-unahang halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ito ay sa kabila ng inihaing panukalang batas ni Senate President Francis Escudero na huwag ituloy ang nakatakdang halalan sa susunod na taon. Sabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia,… Continue reading Comelec, tuloy lang sa paghahanda kahit may inihaing panukalang batas na nais ipagpaliban ang BARMM Election

PCG, bigo pa ring makita ang nawawalang barko sa karagatan ng Paluan, Occidental Mindoro

Hindi pa rin nakikita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang cargo vessel na lumubog sa karagatan sakop ng Paluan, Occidental Mindoro noong kasagsagan ng bagyong Kristine. Ayon sa PCG, gumamit na sila ng mga mga chopper at eroplano para hanapin ang nawawalang MV Sta. Monica A sa baybayin ng Taytay, Palawan at buong Probinsya… Continue reading PCG, bigo pa ring makita ang nawawalang barko sa karagatan ng Paluan, Occidental Mindoro

DOJ, tiniyak ang suporta sa bagong prosecutor general ng National Prosecution Service

Buo ang suporta ng Department of Justice (DOJ) sa bagong talagang hepe ng National Prosecution Service. Ito ay kasunod ng pagpili ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay Prosecutor Richard Anthony Donayre Fadullon bilang bagong prosecutor general. Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento na nagbitiw noong nakaraang buwan. Ayon kay Justice Secretary… Continue reading DOJ, tiniyak ang suporta sa bagong prosecutor general ng National Prosecution Service