Sen. Hontiveros, hinikayat si PBBM na ibalik ang Pilipinas sa ICC

Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isaling muli ang Pilipinas bilang state party sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC). Ipinunto ni Hontiveros na ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC ay bunga ng interes ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na isalba ang kanyang sarili. Matatandaang kumalas ang Pilipinas… Continue reading Sen. Hontiveros, hinikayat si PBBM na ibalik ang Pilipinas sa ICC

Marcos Administration, magpapatupad ng panibagong approach sa anti-illegal drug campaign

Itutuon na ng Marcos Administration ang anti-illegal drug campaign nito, sa supply side o iyong mga pinaggagalingan mismo ng iligal na droga at mga nasa likod ng kalakaran nito. Ito ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla ay isa sa mga natalakay sa ipinagtawag na pulong sa Malacañang ni Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr., upang mapalakas… Continue reading Marcos Administration, magpapatupad ng panibagong approach sa anti-illegal drug campaign

DILG, pinaghahanda na ang Northern Luzon Regions sa pagpasok ni Bagyong Ofel

Inalerto na ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga Local Government Unit sa Cordillera Administrative Region, Regions 1 at 2 sa pagpasok ng Bagyong ‘Ofel’. Sa kanyang kautusan, hinimok ni Remulla ang lahat ng concerned local government units na tiyaking maging alerto ang emergency response teams, at rescue units sa pagtugon sa emergency situations. Pinayuhan… Continue reading DILG, pinaghahanda na ang Northern Luzon Regions sa pagpasok ni Bagyong Ofel

Sen. Villanueva, pinatitiyak na sapat ang pondo para sa pinagtibay na mga batas

Binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva na kailangang tiyakin na mayroong sapat na pondong ilalaan para sa pagpapatupad ng mga enacted laws o pinagtibay na mga batas. Ipinunto ni Villanueva na sa 2023 Department of Budget and Management (DBM) report, may 200 batas ang nakakaranas ng kakulangan ng pondo na nagiging hadlang sa epektibong pagpapatupad ng… Continue reading Sen. Villanueva, pinatitiyak na sapat ang pondo para sa pinagtibay na mga batas

Pamahalaan, kumpiyansang walang magbabago sa security policy ng US at Pilipinas, sa ilalim ng Trump Administration

Tiwala ang National Security Council (NSC) na mananatiling nakasuporta ang Estado Unidos sa Pilipinas. Ito ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, ay kahit pa sa napipintong pagpapalit ng administrasyon sa America. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na batid na ng pamahalaan ang estilo ni President-elect Donald Trump noong una itong maupo… Continue reading Pamahalaan, kumpiyansang walang magbabago sa security policy ng US at Pilipinas, sa ilalim ng Trump Administration

Dating PCSO General Manager Garma, subject for deportation na at inaasahang darating ng bansa bukas

Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang pagpapa-deport ng Estados Unidos kay dating PCSO General Manager Royina Garma, na nagsiwalat ng reward system kaugnay sa drug war ng nakalipas na administrasyon. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kaihim na nasa kustodiya ngayon ng US authorities si Garma kasama ang kaniyang anak. “She took PR… Continue reading Dating PCSO General Manager Garma, subject for deportation na at inaasahang darating ng bansa bukas

Mga pagkilalang nakuha ng Pilipinas sa hosting ng cruise tours, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang natanggap na global recognition ng Pilipinas sa hosting nito ng cruise tours. Sa Seatrade Cruise Asia 2024, sinabi ng pangulo na noong 2023, kinilala ang bansa bilang Asia’s Best Cruise Destination at World Cruise Awards. “Last year, we took pride at being recognized as Asia’s Best Cruise… Continue reading Mga pagkilalang nakuha ng Pilipinas sa hosting ng cruise tours, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos

Higit 53,000, na mga empleyado at tenants ng apat na malalaking mall sa NCR, nakabenepisyo sa AKAP Mall Tour

Pormal na inilunsad ngayong araw sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez amg AKAP Mall Tour. Layunin nitong makapagbigay ng ayuda sa mga empleyado ng mga mall at tenants nito. Ngayong araw magkakasunod na inikot ni Romualdez ang apat na SM Malls kung saan nakapagpaabot ng P268.5 milliong na tulong pinansyal sa may 53,715 na benepisyaryo.… Continue reading Higit 53,000, na mga empleyado at tenants ng apat na malalaking mall sa NCR, nakabenepisyo sa AKAP Mall Tour

Dalawang bagong maritime laws ng bansa, makatutulong sa pagprotekta sa mga marine resources ng Pilipinas ayon kay Sen. Legarda

Iginiit ni Senadora Loren Legarda na palalakasin ng mga bagong maritime laws ng Pilipinas ang abilidad ng ating bansa na protektahan ang ating marine biodiversity, coastal ecosystems at marine resources. Ginawa ng senadora ang pahayag kasabay ng pagpuri sa pagiging ganap na batas ng Republic Act 12064 o ang Philippine Maritime Zones Act at ng… Continue reading Dalawang bagong maritime laws ng bansa, makatutulong sa pagprotekta sa mga marine resources ng Pilipinas ayon kay Sen. Legarda

Mga residenteng lumikas malapit sa Cagayan River dahil sa Bagyong Marce at Nika, hindi pa ligtas na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa mga paparating pang bagyo

Hindi pa pinapayagan ng Office of Civil Defense Region 2 (OCD 2) na makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga evacuee na nakatira malapit sa Cagayan River. Bagama’t gumanda na ang panahon matapos manalasa ang mga Bagyong Leon, Marce at Nika. Ayon kay OCD 2 Regional Director Leon Rafael, mas mainam na manatili muna ang… Continue reading Mga residenteng lumikas malapit sa Cagayan River dahil sa Bagyong Marce at Nika, hindi pa ligtas na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa mga paparating pang bagyo