Mahigit 2K pamilya, isinailalim sa pre-emptive evacuation sa Cagayan dahil inaasahang epekto ng Bagyong #OfelPH

Kasunod ng pananalasa ng bagyong Nika, mahigit 2,000 pamilya o mahigit 8,000 indibidlwal ang muling inilikas sa Cagayan bilang paghahanda sa paparating na bagyong Ofel. Ayon kay Office of Civil Defense Region 2 Director Leon Rafael, ang mga inilikas ay naninirahan sa flood prone at landslide prone areas. Sa ngayon, umabot na sa 6,070 pamilya… Continue reading Mahigit 2K pamilya, isinailalim sa pre-emptive evacuation sa Cagayan dahil inaasahang epekto ng Bagyong #OfelPH

CAAP operated airports, nanatiling matatag sa kabila ng hagupit ng bagyong Nika

Tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala silang naitalang pinsala sa ano mang paliparan na kanilang pinangangasiwaan. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, base sa kanilang pinakahuling monitoring nananatiling nasa maayos na kondisyon ang mga paliparan na hinagupit ng bagyong Nika. Dagdag pa ni Apolinio, wala ding naitalang stranded… Continue reading CAAP operated airports, nanatiling matatag sa kabila ng hagupit ng bagyong Nika

Malabon LGU, tumanggap ng 21 rescue boats mula sa pribadong sektor

Photo courtesy of Malabon Mayor Jeannie Sandoval Facebook page

Aabot sa 21 rescue boats na ginagamit sa rescue operation ang ipinagkaloob ng isang pribadong sektor sa Malabon City Local Government Unit. Ayon kay Aaron Sy, nais nilang mapalakas pa ang emergency response ng local government lalo pa at madalas nakakaranas ng mga pagbaha sa lugar, hindi lamang sa panahon ng bagyo. Handa rin ang… Continue reading Malabon LGU, tumanggap ng 21 rescue boats mula sa pribadong sektor

Quad Comm, kinansela ang pulong bukas para tapusin ang vetting ng mga testigo

Binigyang-linaw ngayon ng mga lider ng Quad Committee kung bakit kinansela ang dapat sana’y ika-11 pagdinig nila bukas November 13. Kasunod ito ng impormasyon mula kay dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at mga post sa social media na dadalo umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Quad Comm bukas. Ayon kay Quad… Continue reading Quad Comm, kinansela ang pulong bukas para tapusin ang vetting ng mga testigo

CICC, iimbestigahan ang pagkawala ng pera ng isang komedyante sa e-wallet

Hindi basta tatanggapin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang paliwanag ng GCash na system glitch ang nangyaring pagkawala ng pera ng users nito noong weekend. Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos, titingnan nila ang posibilidad ng isang organized breach ng ilang partikular na GCash accounts, ang dahilan ng unauthorized fund transfers nitong… Continue reading CICC, iimbestigahan ang pagkawala ng pera ng isang komedyante sa e-wallet

House Panel, inaprubahan ang panukalang turuan ang mga kawani ng gobyerno sa tamang paghawak ng kanilang pera

Photo courtesy of House of Representatives

Inaprubahan ng Committee on Civil Service and Professional Regulation ang panukalang nagmamandato sa Civil Service Commission (CSC) na magkaloob ng finance education program sa lahat ng state workers. Sa ginawang pagdinig ng komite, tinalakay nito ang benepisyo ng mga kawani ng gobyerno sa paghawak ng kanilang pera, pag-iipon at pag gastos. Ayon sa may akda… Continue reading House Panel, inaprubahan ang panukalang turuan ang mga kawani ng gobyerno sa tamang paghawak ng kanilang pera

Isa pang transmission line na naapektuhan ng bagyong Nika, naayos na — NGCP

Naibalik na ang normal na operasyon ng isa pang transmission line facility na bumigay sa kasagsagan ng bagyong Nika. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tapos na ang pagkumpuni sa Santiago-Aglipay 69kv Line na nagsusuplay ng elektrisidad sa ISELCO I o Isabela Electric Cooperative 1, at QUIRELCO o Quirino Electric Cooperative.… Continue reading Isa pang transmission line na naapektuhan ng bagyong Nika, naayos na — NGCP

Operasyon ng ilang airport sa Hilagang Luzon, balik normal na — CAAP

Ibinahagi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko na balik normal na ang operasyon ng ilang mga paliparan na naapektuhan ng bagyong Nika. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, balik normal na ang operasyon ng Vigan, Lingayen, at Baguio Airport subalit nananatiling suspendido ang commercial flights sa mga ito bunsod ng maulap… Continue reading Operasyon ng ilang airport sa Hilagang Luzon, balik normal na — CAAP

Higit 800 pamilya, nananatili pa rin sa evacuation centers sa CARĀ  dahil sa pananalasa ng bagyong Nika

Photo courtesy of Philippine Information Agency (PIA)

Tinatayang nasa 812 pamilya ang nananatili ngayon sa 75 evacuation centers sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang inaalalayan ng pamahalaan, dahil sa pananalasa ng Bagyong Nika. “Dito po sa Cordillera Region, dalawa na lang po iyong may tropical cyclone warning signal which are the provinces of Abra and Apayao. So, Signal Number 1 na lang… Continue reading Higit 800 pamilya, nananatili pa rin sa evacuation centers sa CARĀ  dahil sa pananalasa ng bagyong Nika

DSWD, namahagi ng cash aid sa 17,000 manggagawa sa NCR

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Aabot sa 17,000 mall employees ang inaasahang makakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Sinimulan na ngayong araw ng DSWD Field Office-National Capital Region ang pamamahagi ng P5,000 cash aid sa bawat benepisyaryo sa SM Mall of Asia.… Continue reading DSWD, namahagi ng cash aid sa 17,000 manggagawa sa NCR