4 na Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig dahil sa bagyong Nika

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang apat na pangunahing dam sa Luzon kasunod ng pananalasa ng bagyong Nika. Sa pulong balitaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Kampo Aguinaldo ngayong umaga, sinabi ni PAGASA Hydrologist Richard Orindain na kabilang sa mga nagpapakawala ang mga dam ng Ambuklao, Binga, San Roque, at… Continue reading 4 na Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig dahil sa bagyong Nika

PAGIBIG Fund, lumago pa sa ikatlong quarter ng 2024; higit 461,000 miyembrong apektado ng kalamidad, natulungan sa Calamity Loan

Nananatiling matatag ang savings at shelter financing ng Home Development Mutual Fund (HDMF), o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund sa ikatlong quarter ng 2024. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, iniulat ni Domingo Jacinto, Jr., acting vice president ng Pag-IBIG Fund na umabot sa ₱98.72-billion ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG para sa 3rd… Continue reading PAGIBIG Fund, lumago pa sa ikatlong quarter ng 2024; higit 461,000 miyembrong apektado ng kalamidad, natulungan sa Calamity Loan

House Minority leader, hinamon ang OVP chief of staff na huwag sayangin pagkakataon na maipagtanggol ang sarili

Hinikayat ni House Minority Leader Marcelino Libanan si Office of the Vice President (OVP) chief of staff, Undersecretary Zuleika Lopez na humarap sa pagdinig ng Kamara at ipagtanggol ang sarili ukol sa kaugnayan niya sa umano’y maling pamamahala ng pondo ng tanggapan. Sinabi ni Libanan, ang mga indibidwal na malinis ang konsensya ay sasamantalahin ang… Continue reading House Minority leader, hinamon ang OVP chief of staff na huwag sayangin pagkakataon na maipagtanggol ang sarili

Mga kahinaan ng PH cyberspace, ibinabala ng AFP sa gitna ng diskusyon sa pagluluwag sa telco regulations

Nagbabala ang  Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang foreign invasions ay maaaring maging sanhi ng cyber attacks sa digital age, sa gitna ng mga diskusyon sa pagpasa ng isang batas na magluluwag sa  telco regulations at restrictions. Ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner ang pahayag sa ADR Stratbase Pilipinas Conference… Continue reading Mga kahinaan ng PH cyberspace, ibinabala ng AFP sa gitna ng diskusyon sa pagluluwag sa telco regulations

DOH Bicol, hinihikayat ang mga magulang na magpakonsulta kontra pertussis.

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) Bicol ng kabuuang 198 kaso ng pertussis o “whooping cough” sa rehiyon mula Enero 1 hanggang Nobyembre 9, 2024. Sa bilang na ito, 146 ang klinikal na kaso at 52 naman ang nakumpirma sa laboratoryo, habang may tatlong (3) kaso ng pagkamatay ang naiulat dahil sa sakit na ito.… Continue reading DOH Bicol, hinihikayat ang mga magulang na magpakonsulta kontra pertussis.

DOF, ADB, lumagda ng kasunduan para sa Laguna Lake Road Network Project

Lumagda ng kasunduan ang Department of Finance (DOF) at Asian Development Bank (ADB) para sa makabagong proyekto ng road network na magpapalakas ng climate resilience ng mga taga-Laguna. Ang Laguna Lake Road Network Project ay magtatayo ng 37.5 kilometer climate resilient expressway sa Laguna Lake. Bukod sa hangarin na maibsan ang trapik, makatutulong din ito… Continue reading DOF, ADB, lumagda ng kasunduan para sa Laguna Lake Road Network Project

Pilipinas bilang isang prime investment destination, masasakatuparan na sa CREATE MORE — BIR

Nagpahayag ng buong suporta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagkakalagda ng Republic Act No. 12066 (RA 12066) o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act. Sa isang pahayag, ipinunto ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na paiigtingin ng batas ang “investments-led growth”… Continue reading Pilipinas bilang isang prime investment destination, masasakatuparan na sa CREATE MORE — BIR

Mahigit kalahating bahagi ng Isabela, wala pa ring kuryente

Wala pa ring suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Isabela matapos bayuhin ng bagyong Nika kahapon. Ayon sa ulat ng Office of the Civil Defense – Region 2, sa lakas ng hangin at ulang dala ng bagyong Nika, maraming puno ang nabuwal, gayundin ang mga poste ng kuryente at napatid na power lines. Hanggang… Continue reading Mahigit kalahating bahagi ng Isabela, wala pa ring kuryente

NGCP, nakatutok na sa mga naapektuhang pasilidad bunsod ng bagyong Nika

Nagpadala na ng mga line crew ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa magpapatrolya sa mga pasilidad nitong naapektuhan ng bagyong Nika. Ayon sa NGCP, isusunod dito ang simultaneous restoration activities lalo sa mga lugar na accessible na. As of 6am, partially energized na ang Santiago-Batal 69kV Line. Habang nananatiling unavailable ang… Continue reading NGCP, nakatutok na sa mga naapektuhang pasilidad bunsod ng bagyong Nika

Bangko Sentral ng Pilipinas, iniimbestigahan ang naganap na ‘unauthorized transfers’ ng GCash

Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang G-Xchange, Inc. (GXI), ang operator ng GCash e-wallet, na agarang ayusin ang mga naiulat na hindi awtorisadong pagbabawas sa mga balanse ng account ng mga apektadong GCash user at tapusin agad ang proseso ng mga refund. Inatasan din ng BSP ang GXI na magbigay ng regular na… Continue reading Bangko Sentral ng Pilipinas, iniimbestigahan ang naganap na ‘unauthorized transfers’ ng GCash