Halos 1K na Pasahero, stranded sa mga pantalan sa Bicol dahil sa Bagyong Pepito

Nadagdagan pa ang mga na-stranded sa mga pantalan sa rehiyong Bicol dulot ng bagyong #PepitoPH. Sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD-5) Bicol, nasa 992 na ang bilang ng mga pasahero na nasa iba’t ibang pantalan sa rehiyon. Pinakamarami ang naistranded sa Matnog Port na nasa 805, nasa 92 naman sa Pilar Port,… Continue reading Halos 1K na Pasahero, stranded sa mga pantalan sa Bicol dahil sa Bagyong Pepito

Pre-emptive evacuation, sinimulan nang ipatupad sa Virac, Catanduanes

Sinimulan nang ipatupad ngayong hapon ng lokal na pamahalaan ng Virac ang pre-emptive evacuation para sa mga pamilyang naninirahan sa mga delikadong lugar, partikular sa mga flood/landslide-prone areas. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay MDRRMO Virac Operations Head Mark Matira, sinabi nitong handa at bukas na ang evacuation centers ng bawat barangay sa Virac, kabilang… Continue reading Pre-emptive evacuation, sinimulan nang ipatupad sa Virac, Catanduanes

RADM Jose Ambrosio Ezpeleta, opisyal nang naupo bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy

Opisyal nang naupo sa pwesto si Rear Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta, bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy. Kasunod ito ng iginagawad na retirement ceremony kay Vice Admiral Toribio Adaci Jr., na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (November 15). Si Ezpeleta ay una nang nagsilbi bilang ika-57 Vice Commander ng Philippine… Continue reading RADM Jose Ambrosio Ezpeleta, opisyal nang naupo bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy

DSWD, handa sa posibleng epekto ng bagyong Pepito sa Region 8

Photo by DSWD Eastern Visayas

Higit 81,000 family food packs (FFPs) ang naka-preposisyon na sa iba’t ibang strategic areas sa mga bayan ng Rehiyon 8 ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas, sa posibleng maging epekto ng Severe Tropical Storm “Pepito” sa rehiyon. Ito ay batay sa pinakahuling ulat na ipinalabas ng DSWD 8. Ang… Continue reading DSWD, handa sa posibleng epekto ng bagyong Pepito sa Region 8

Iloilo solon, pinarerepaso ang implementasyon ng UHC law

Inihain ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang House Resolution 2081 para magkasa ang House Committee on Health ng pagsisiyasat sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law. Partikular na tututok ang pagsisiyasat sa Health Technology Assessment (HTA) process at mga proseso na nakakabalam sa napapanahong healthcare innovations, at makapaglatag ng legislative reforms upang… Continue reading Iloilo solon, pinarerepaso ang implementasyon ng UHC law

BI, pinabulaanan ang depensa ni dating Bamban Mayor Alice Guo na isa itong Pilipino

Kinontra ng Bureau of Immigration ang naging pahayag ng Kampo ni Guo Hua Ping na ito ay Pilipino. Ito’y matapos sumalang si Guo Hua Ping alyas Alice Guo sa hearing ng BI. Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, head ng Board of Special Inquiry ng BI, maraming mga naipakitang ebidensya ang Special Prosecutor na nagpapatunay na… Continue reading BI, pinabulaanan ang depensa ni dating Bamban Mayor Alice Guo na isa itong Pilipino

AFP Joint Exercise DAGITPA, pormal nang nagtapos

Pormal nang nagtapos ang Joint Armed Forces of the Philippines Exercise Dagat, Langit at Lupa (AJEX-DAGITPA) na tumagal ng dalawang linggo. Pinangunahan ni AFP Vice Chief of Staff, Lt.Gen. Arthur Cordura ang closing ceremony na dinaluhan ni Defense Usec. Ignacio Madriaga. Tumuon ang DAGITPA sa “interoperability” at “capability development” ng mga unit ng AFP kasama… Continue reading AFP Joint Exercise DAGITPA, pormal nang nagtapos

Bagyong Pepito, isa nang typhoon; bagyong Ofel, humina na

Lumakas pa at nasa typhoon category na ang Bagyong Pepito habang nasa karagatan papalapit ng bansa. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 630km silangan ng Guian, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160km/h. Nakataas na ang Signal no. 2 sa eastern portion ng… Continue reading Bagyong Pepito, isa nang typhoon; bagyong Ofel, humina na

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar, ipinagpaliban na rin dahil sa banta ng bagyong Pepito

Bilang pagsunod sa abiso ng Eastern Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, nagdesisyon ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair National Secretariat na ipagpaliban muna ang BPSF Samar. Dapat ay sa Sabado, November 16 ito idaraos, ngunit bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Pepito ay iuurong ito sa susunod na linggo. Dahil sa inaasahang magkakaroon… Continue reading Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar, ipinagpaliban na rin dahil sa banta ng bagyong Pepito

Probinsya ng Batangas, naghahanda na sa bagyong Pepito

Puspusan ang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa paparating na bagyong Pepito. Isinagawa ang Camp Management Orientation ng tangapan ng City Social Welfare and Development sa syudad ng Calaca, Batangas. Layon nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng provincial employees na naka assign sa mga evacuation centers sa pagdating ng bagyo.… Continue reading Probinsya ng Batangas, naghahanda na sa bagyong Pepito