Ilang evacuees sa Eastern Visayas, pinayagan nang umuwi sa kanilang mga tahanan

Nakahinga na ng maluwag ang mga taga Region 8 dahil unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon at halos wala nang mga pag-ulan na nararanasan dito sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na paglayo ng Super Typhoon #PepitoPH mula sa Samar provinces na muntikan nang mahagip. Sa katunayan, tinanggal na ng PAGASA ang Storm Signal… Continue reading Ilang evacuees sa Eastern Visayas, pinayagan nang umuwi sa kanilang mga tahanan

Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K

Patuloy na dumadami ang mga naistranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa banta ng super Typhoon #PepitoPH. Sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense Bicol, nasa 2,572 na ang mga indibidwal ang nasa mga pantalan ngayong kasagsagan ng bagyo.  Pinakamarami ang naistranded sa Matnog Port na nasa 2,134, nasa 224… Continue reading Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K

Bukod sa storm surge, landslide binabantayan din ng MDRRMO ng Caramoan, CamSur

Bukod sa insidente ng Storm Surge dulot ng Super Typhoon Pepito, binabantayan din umano ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Caramoan, Camarines Sur ang insidente ng landslide. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Caramoan Head of Office Christian Aris Guevarra, sinabi nito… Continue reading Bukod sa storm surge, landslide binabantayan din ng MDRRMO ng Caramoan, CamSur

2.1-3M na storm surge, posibleng maranasan ng ilang bayan ng Quezon; Governor Tan, nanawagan ng forced evacuation

Nagbabala si Governor Helen Tan at si PDRRM Officer Dr. Melchor Avenilla, Jr. na posibleng makaranas ng 2.1 hanggang 3 meters na storm surge ang mga bayan sa lalawigan ng Quezon na dala ng Super Typhoon Pepito. Sa live monitoring and response kanina, kabilang sa pinaghahanda ang mga bayan ng Infanta, Agdangan, Buenavista, Burdeos, Catanauan,… Continue reading 2.1-3M na storm surge, posibleng maranasan ng ilang bayan ng Quezon; Governor Tan, nanawagan ng forced evacuation

OFW cash remittances, umakyat sa 3.3% nitong Setyembre — BSP

July 13, 2018 The peso is currently at 53.5 to a dollar. It is expected to weaken and may even reach an exchange rate of a P54 - 55 this year. Photo by Geela Garcia OJT.

Naitalang tumaas sa 3.3 % ang cash remittances mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs) noong Setyembre 2024, ayon sa pinakahuling tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ayon sa BSP, umabot sa $3.01 bilyon ang naipadalang pera ng mga OFW sa nasabing buwan, mas mataas kumpara sa $2.91 bilyon noong Setyembre 2023. Mula Enero… Continue reading OFW cash remittances, umakyat sa 3.3% nitong Setyembre — BSP

Biyahe ng mga bus pa-Bicol at ilang lalawigan sa Mindanao, kanselado ayon sa PITX, dahil sa bagyong Pepito

Kanselado ang ilang biyahe ngayong araw, November 16, 2024, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), dulot ng epekto ng bagyong Pepito. Ayon sa pamunuan ng PITX, kabilang sa mga naapektuhan ang mga biyaheng papunta sa San Jose, Legazpi, Matnog, at iba pang bahagi ng Bicol Region. Kabilang dito ang biyahe ng Peñafrancia papuntang Legazpi 9:30AM,… Continue reading Biyahe ng mga bus pa-Bicol at ilang lalawigan sa Mindanao, kanselado ayon sa PITX, dahil sa bagyong Pepito

Halos 4,000 na mga pasahero, stranded ngayon sa 55 pantalan sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Southern Tagalog

Lumobo pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa 55 pantalan sa buong bansa dulot ng bagyong Pepito. Sa tala ng Philippine Coast Guard, nasa 3,912 na mga pasahero, truck drivers at helpers ang kasalukuyang nananalagi ngayon sa mga pantalan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Southern Tagalog. Nasa 1,510 na mga rolling cargoes,… Continue reading Halos 4,000 na mga pasahero, stranded ngayon sa 55 pantalan sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Southern Tagalog

Pagsuspinde sa pagbiyahe papuntang Visayas at Mindanao, ipinaalala ng LTFRB at LTO

Muling ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagsuspinde sa lahat ng biyahe ng mga bus at truck papuntang Visayas at Mindanao dahil kay bagyong Pepito. Partikular dito ang mga sasakyan na dumadaan sa Matnog Port at iba pang lugar sa Bicol Region na maaapektuhan ng bagyo. Layon nito na maiwasan ang buildup… Continue reading Pagsuspinde sa pagbiyahe papuntang Visayas at Mindanao, ipinaalala ng LTFRB at LTO

PCG Bicol, sinimulan na ang pag-dispatch ng 82 Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng rescue operation

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard District Bicol ang pag-dispatch ng mga Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng mga rescue operations habang papalapit ang Super Typhoon Pepito sa kalupaan ng Bicol Region. Sa pinakahuling ulat ng PCG Bicol, nasa 123 personnel sa hanay ng Deployable Response Group ang nakadeploy na para magsagawa ng evacuation… Continue reading PCG Bicol, sinimulan na ang pag-dispatch ng 82 Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng rescue operation

Mahigit 61 pamilya, lumikas sa NwSSU evacuation center dahil sa Bagyong Pepito

Nagsisilbing ligtas na kanlungan para sa mga lumikas dulot ng Bagyong Pepito ang Socio-Cultural Center ng Northwest Samar State University (NwSSU) sa Calbayog City. Ayon kay Eugence C. Calumba, University Disaster Risk Reduction and Management Officer, tumanggap ang unibersidad, na nagsisilbing evacuation center, ng mga apektadong personnel ng unibersidad, estudyanteng hindi nakauwi sa kani-kanilang mga… Continue reading Mahigit 61 pamilya, lumikas sa NwSSU evacuation center dahil sa Bagyong Pepito