Vape shop sa QC na nagbebenta ng illegal vape products, sinalakay ng BIR

Iba’t ibang imported vape products na iligal na ibenebenta ng isang vape shop ang kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ginawa ito ng BIR matapos ang pagsalakay ngayong gabi sa business establishment na nasa kanto ng Tomas Morato at Sct Fuentebella sa Quezon City. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nadiskubre nilang nagbebenta… Continue reading Vape shop sa QC na nagbebenta ng illegal vape products, sinalakay ng BIR

Buong suporta ng gobyerno sa rehabilitasyon ng Catanduanes Abaca Industry, ipinangako ni PBBM

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutulungan ng National Government ang Catanduanes sa rehabilitasyon nito ng Abaca, na isa sa mga napinsalang industriya sa pagpasok ng Super Typhoon Pepito sa Pilipinas. Sa situation briefing sa Catanduanes (Nobember 19), sinabi ng pangulo na ang pinakamalaking problema na iniwan ng bagyo ay ang pinsala sa… Continue reading Buong suporta ng gobyerno sa rehabilitasyon ng Catanduanes Abaca Industry, ipinangako ni PBBM

Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong #NikaPH, #OfelPH at #PepitoPH, abot na sa higit P200-M —DA

Nakapagtala na ng inisyal na P265.74 Million halaga ng pinsala sa sektor ng agrikuktura ang Department of Agriculture sa nagdaang bagyong Nika, Ofel at Pepito. Base ito sa assessment ng DA Regional Field Offices, sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Eastern Visayas. Karamihan sa naapektuhan ang mga pananim na palay,… Continue reading Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong #NikaPH, #OfelPH at #PepitoPH, abot na sa higit P200-M —DA

PSA, planong imbitahan ng House Blue Ribbon Committee ukol sa pagkatao ni ‘Mary Grace Piattos’

Ikokonsidera ng House Blue Ribbon Committee ang pag-imbita sa Philippine Statistics Authority o PSA ayon sa chairperson nito na si Manila Rep. Joel Chua. Ito ay para matukoy aniya kung mayroon nga ba talagang indibidwal na may pangalang “Mary Grace Piattos”. Kinuwestyon ng mga mambabatas ang naturang pangalan na lumbas sa acknowledgement receipt na isinumite… Continue reading PSA, planong imbitahan ng House Blue Ribbon Committee ukol sa pagkatao ni ‘Mary Grace Piattos’

Senadora Cynthia Villar, pinabulaanang sinugod niya ang isang konsehal ng Las Piñas sa loob ng simbahan

Itinanggi ni Senador Cynthia Villar na sinugod niya si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos sa loob ng isang simbahan sa kanilang lungsod. Ito ang paglilinaw ni Villar kaugnay ng nag-viral niyang video. Si santos ay makakalaban ni Villar sa Congressional seat sa lungsod sa 2025 elections. Ayon sa senadora, hindi niya sinugod ang konsehal.… Continue reading Senadora Cynthia Villar, pinabulaanang sinugod niya ang isang konsehal ng Las Piñas sa loob ng simbahan

Panukalang batas para tuluyang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa, lusot na sa komite

Lusot na sa House Committee on House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas para tuluyan nang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa bansa. Inaprubahan ng komite ang substitute bill para sa House Bill 10987 ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr, kasama ang iba pang panukala at resolusyon na nagtutulak… Continue reading Panukalang batas para tuluyang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa, lusot na sa komite

Urgent bill certification ng panukalang 2025 budget, natanggap na ng Senado

Sinertipikahan na ng Malacañang bilang urgent bill ang panukalang P6.352 trillion 2025 budget.  Natanggap na ni Senate President Chiz Escudero ang urgent bill certification na pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  Ngayong may urgent bill certification na, kapag naaprubahan sa ikalawang pagbasa ay hindi na kailangang hintayin ang 3-day rule para maipasa ang ito… Continue reading Urgent bill certification ng panukalang 2025 budget, natanggap na ng Senado

Panukala para sa libreng legal assistance sa mga ‘men in uniform’, pinamamadaling maipasa na sa Senado

Nanagawan ang ilang mambabatas sa Senado na kagyat nang aksyunan ang House Bill 6509 o Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel. Sa gitna ito ng pagtalakay ng House Committee on Public Order and Safety sa isyu ng mga pulis na ginampanan ang trabaho sa giyera kontra ilegal na droga ng nakaraang administrasyon, ngunit… Continue reading Panukala para sa libreng legal assistance sa mga ‘men in uniform’, pinamamadaling maipasa na sa Senado

Pansamantalang importasyon, solusyon para hindi sumipa ang presyo ng agricultural products —Senador Sherwin Gatchalian 

Photo courtesy of Philippine News Agency by Yancy Lim

Aminado si Senador Sherwin Gatchalian na temporary importation ang solusyon para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong pang agrikultura matapos ang pananalasa ng sunud-sunod na bagyo sa bansa. Pero giit ni Gatchalian, dapat pansamantala lamang ang gagawing importasyon o pananadalian lamang at tatagal lang hanggang maging stable na ang suplay ng mga produkto. … Continue reading Pansamantalang importasyon, solusyon para hindi sumipa ang presyo ng agricultural products —Senador Sherwin Gatchalian 

Tatlong malalaking proyekto ng NGCP, inaprubahan na ng ERC

Inaprubahan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang tatlong capital expenditure projects ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Layunin ng mga proyektong ito na palakasin ang transmission grid sa ilang lalawigan sa Luzon at Visayas. Kabilang sa mga inaprubahang proyekto ang: Bolo-Balaoan 500 kV Transmission Line Project na nagkakahalaga ng P17.09 bilyon. Ang… Continue reading Tatlong malalaking proyekto ng NGCP, inaprubahan na ng ERC