2 transmission line ng NGCP, apektado ng bagyong Ofel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Unavailable ngayon ang dalawang transmisison line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa epekto ng bagyong Ofel.

Partikular dito ang Bauang-San Fabian 69-kilovolt line at Lallo-Sta. Ana 69-kilovolt line sa Cagayan.

Dahil dito, walang suplay ng kuryente ang ilang customer ng Cagayan II Electric Coop, La Union Electric Coop na nagseserbisyo sa La Union at Pangasinan.

Nagpadala naman na ang NGCP ng kanilang mga line crew upang magsagawa ng mga restoration activity. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us