Tiwala ang Quezon City Police District (QCPD) na may sapat nang proteksyon ang mga paaralan sa Lungsod Quezon para sa ligtas na kapaligiran.
Sa ilalim ng” Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, abot na sa 204 na paaralan sa lungsod ang nalagyan ng Police Assistance Desks
Ayon kay QCPD Acting Director Police Colonel Melecio Buslig Jr., bahagi ng inisyatiba ng pulisya ang pag-aalok ng tulong sa mga estudyante, mga guro at publiko.
Nagsasagawa din ang pulisya ng regular na pagpapatrol at on-site school visits, para matiyak lang ang ligtas na kapaligiran sa mga estudyante at komunidad.
Giit pa ni Colonel Buslig, na hindi lamang nakatuon sa seguridad ang pulisya kung hindi makabuo ng tiwala at palakasin ang kooperasyon sa loob ng komunidad. | ulat ni Rey Ferrer